Angel Locsin Kapamilya nah???

angel-locsin.jpg

a post from www.pep.ph

I am depressed sayang talaga kapag lilipat sya sa DOS di rin sya sisikat doon…

ano sa tingin nyo totoo ba ang mga rumors???

Kinumpirma sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang source mula sa ABS-CBN na may naganap na negosasyon sa pagitan ng Kapamilya Network at kampo ng Kapuso star na si Angel Locsin.

Mahigit dalawang linggo na ang usap-usapan tungkol sa hindi na pag-renew ng co-management contract ni Angel at ng manager nitong si Becky Aguila sa GMA Artist Center. Ito ay pagkatapos magkaroon ng issue tungkol sa hindi diumano pagtanggap ni Angel ng lead role sa Marimar, ang Pinoy version ng Mexican telenovela of the same title.

Nagkaroon ng iba’t ibang argumento tungkol dito. Ayon sa isang mataas na opisyal ng GMA-7 ay wala naman daw pormal na offer kay Angel to play the role of Marimar. Ayon naman sa kampo ni Angel, kung walang offer, bakit naman sila tatanggi.

Kasunod nito ay lumabas sa ilang tabloid ang mga negatibong artikulo tungkol kay Angel. Diumano, naging problema si Angel sa taping ng Asian Treasures noong mga huling linggo ng kanilang tapings. Nandiyan din daw na sinisigawan niya ang staff at nakikipagtalo sa fight-scene instructor.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng kanyang panig si Angel tungkol dito.

Sumunod na issue, hindi na raw pinapirma ng bagong kontrata ni Becky si Angel sa Artist Center dahil gusto na raw nilang lumipat sa ABS-CBN, at may negotiation na nga silang ginawa sa kalabang network ng GMA-7. Pinabulaanan ito ni Becky, wala raw silang ginagawang negosasyon sa Kapamilya Network. Pero dahil daw sa mga lumalabas na intriga, parang nag-iisip na siya na totohanin na nga ang balitang iyon.

Last June 28, sa presscon ng Pinoy Big Brother evictees sa 9501 restaurant ng ABS-CBN ay may nakausap na taga-Kapamilya Network ang PEP. Ayon sa aming source ay may gagawin diumanong project si Angel sa ABS-CBN na ang title ay Super Angel. Pero tila mahirap itong paniwalaan dahil nag-deny nga si Becky na nakipag-negotiate siya sa ABS-CBN at wala ring maidetalye ang source kung totoo nga ang kuwento niya.

Kahapon ng tanghali, July 4, sa presscon ng PBB 2 winners ay may nakausap muli ang PEP na konektado rin sa ABS-CBN. Wika ng aming source:

“Sayang si Angel [Locsin], may magandang offer sana ang ABS-CBN sa kanya pero mukhang malabong makalipat siya rito. May gagawin na sana siya rito na Daddy’s Angel with Christopher de Leon at may isa na ring movie na gagawin sa Star Cinema. Pero nang makipag-usap sila at hanapan ng walking papers from GMA Network, na sinasabing puwede na silang lumipat sa ibang network, wala naman silang mai-present.”

Tanong ng PEP, ano naman ‘yong Super Angel na sabi’y gagawin ni Angel para sa ABS-CBN?

“Hindi ako aware sa Super Angel, ang alam ko ay ang Daddy’s Angel,” sagot ng aming nakausap. “Pero kahit ano ang project na ibigay sa kanya, hindi magiging posible kung wala siyang maipi-present na walking papers from GMA. Sa Star Cinema [film arm ng ABS-CBN], baka puwede, kung papayagan siya ni Mother Lily ng Regal.”

Sa pagkakaalam ng PEP ay may kontrata pa rin si Angel sa Regal Entertainment.

May nakuha ring impormasyon ang PEP na balak itambal ng ABS-CBN si Angel sa isa sa top male stars ng ABS-CBN, si Piolo Pascual. May offer din daw kay Angel na gumawa ng teleserye kasama si Piolo, lalo pa’t malapit nang matapos ang Walang Kapalit ng young actor at ni Claudine Barretto at hindi pa rin nareresolba ang alitan sa pagitan ni Piolo at ng dati niyang kapareha na si Judy Ann Santos.

Kung sakali ngang matuloy ang paglipat ni Angel sa ABS-CBN at itambal siya kay Piolo, hindi ito ang unang pagkakataon na magkakasama sila sa iisang proyekto. Sina Angel at Piolo ay magkapareha sa isang instant coffee commercial at sa isang ad ng mamahaling relo.

Samantala, nabalitaan ng PEP na nakipag-meeting na raw si Becky sa management ng GMA-7 last July 3. Kinumpirma ng isang konektado sa Kapuso Network ang naturang meeting, pero ayaw nitong magbigay ng karagdagang impormasyon.

Malalaman daw ito kapag bumalik na si Angel galing sa United States, kung saan magkakaroon ng premiere showing ang pelikula niyang Angels sa ilang key cities sa US. Ngayong araw ang alis ni Angel papuntang US.

Pls… Do vote for this sexy girls on FHM!!!!

people magazines single and sizzling men of 2007

Single & Sizzling Men of ’07

It’s easy to see why these bachelors are among America’s most wanted! Get a sneak peek at some of the hot guys who made PEOPLE’s special issue

matthew_mcconaughey5.jpgjake_gyllenhaal.jpgchris_evans.jpgmaksim.jpgludacris.jpgkenny_chesney.jpg

adrien_grenier.jpgblake_lewis.jpgjustin_timberlake.jpgapolo.jpg

LR: Matthew Mcconaughey, Jake Gyllenhaal, Chris Evans,Maksim Chmerkovskiy,Ludacris,Kenney Chesney,Adrien Grenier,Blake Lewis,Justin Timberlake,Appolo ohno.

does margaret wilson qualifies to join in Bb.pilipinas 07?

miss maggie wilson the pride of bacolod and a kapuso star of  gma-7 recently grabbed the title in Bb.pilipinas as the new rep. in miss world in poland. but according to some people ms.maggie is not qualified to be in the said comp. why? because she is not a highschool graduate. she is only a fourth year student .here is the comment of maggie in her column in PEP.ph
frida_kadiff
March 5, 2007 at 15:49 PM
HINDI PO HIGH SCHOOL GRADUATE SI MARGARET… puede siyang i-dethrone any minute now. sana nag-graduate muna siya bago sumali. malaking kaso ito kaya tutukan po ninyong lahat. ito ay maliwanag na panlilinlang. kasangkot dito ang GMA7 , na co-presentor ng BB PILIPINAS… puedeng masara ang istasyon/network dahil napakalaking FRAUDULENT ACT ITO… abangan!!!!!

but according to GMA-7 pinayagan naman si maggie na sumali sa bb.pilipinas dahil graduating naman sya this month… at hindi kasangkot ang GMA-7 kaya how dare this person talks to gma-7 like that…????

welcome to entertainment 101!! ur entertainment authorityblog..

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.